Bantay Boto 2025Latest News

Tambak ng basurang naiwan noong eleksyon, responsibilidad ng mga kandidato — Ecowaste Coalition

Hinimok ng grupong EcoWaste Coalition ang mga kandidato na maging responsable sa mga naiwang campaign materials na nagkalat matapos ang eleksyon.

Carlene Latuna · · 1 min read

Hinimok ng grupong Ecowaste Coalition ang mga kandidato na maging responsable sa mga naiwang campaign materials na nagkalat matapos ang eleksyon.

Sa isinagawang post-election clean-up ng grupo sa Flora Ylagan High School sa Quezon City, tambak na basura mula sa mga campaign material ang kanilang naipon.

Giit ng Ecowaste Coalition, ang paglilinis ay hindi lamang simpleng pagpupulot ng basura—ito rin ay pagpapakita ng responsible leadership.

What do you feel about this article?