Target ng Commission on Elections (Comelec) na maiproklama na sa Sabado, May 17, ang 12 senatorial candidates at party-list groups na nanalo sa 2025 midterm elections.
Patuloy naman ang pagbibilang ng poll body sa mga botong kanilang natatanggap.
Samantala, napanatili ni incumbent Senator Bong Go ang pangunguna sa partial at unofficial results ng senatorial race na may lagpas 26 million votes.
ADVERTISEMENT
Sinabi ni Go na hindi niya sasayangin ang ibinigay na tiwala sa kanya ng taumbayan at tutumbasan ito ng iba’t ibang programa.
Nagpasalamat din ang senador sa bawat Pilipinong nagtiwala sa kanya, at kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagsilbi aniya bilang kanyang mentor.
Pumangalawa si dating senador Bam Aquino na may lagpas 20 million votes.
ADVERTISEMENT
Pangatlo sa senatorial race ang re-electionist na si Senator Bato Dela Rosa, na nagsabing magkahalong saya at lungkot ang kanyang naramdaman.
Ayon sa kanya, ang mga boto niyang natanggap ay protest votes matapos isuko ng pamahalaan ang dating pangulo sa International Criminal Court o ICC.
Ikaapat ang broadcaster na si Erwin Tulfo na bahagi ng administration slate.
ADVERTISEMENT
Habang ikalima ang magbabalik-senado na si Kiko Pangilinan.

