Ikinagulat ni Akbayan party-list first nominee Atty. Chel Diokno ang unang inilabas na partial, unofficial results ng Comelec kung saan nangunguna ang kanilang grupo sa party-list race.
Ayon kay Diokno, inasahan nila na makakakuha sila ng maraming boto, pero hindi nila inakalang mangunguna sila sa listahan.
Dagdag pa niya, posibleng naging pangunahing factor ang kanilang kampanya sa social media na nagbigay ng pantay na laban para sa kanilang grupo.
Inihayag din niya ang hangaring pag-isahin ang mga progresibong grupo sa Kongreso.
Kasama ni Diokno sa nominee list si incumbent Representative Perci Cendaña at Moro women at IP leader Dadah Kiram Ismula.
ADVERTISEMENT
Tiniyak naman ni Diokno na handa na silang magtrabaho sa Kamara, kung saan uunahin nila ang mga usaping pambansa tulad ng presyo ng bilihin, korapsyon, edukasyon, at healthcare.


