Muling babalik sina incumbent Mayor Jonjon Villanueva at Vice Mayor Sherwin Tugna sa kanilang mga posisyon sa Bocaue, Bulacan matapos magwagi sa kanilang mga pwesto sa eleksyon.
Ito ay matapos iproklama ang dalawa kaninang madaling araw sa munisipyo ng Bocaue.
Nagpasalamat naman ang dalawa sa kanilang mga botanteng patuloy na nagtitiwala sa kanila.
May pangako naman si Mayor Jonjon sa pagpapatuloy ng kanyang mga programa para sa kanyang mga nasasakupan sa Bocaue.

