Bantay Boto 2025Latest News

Ilang Metro Manila mayors, naiproklama na

Naiproklama na ang ilang Metro Manila mayors matapos ang kanilang landslide victory sa halalan.

Jomar Villanueva · · Updated · 1 min read

Naiproklama na ang ilang Metro Manila mayors matapos ang kanilang landslide victory sa halalan.

Kabilang sa kanila si Mayor Vico Sotto ng Pasig City na nakakuha ng higit 286,000 votes kumpara sa katunggali niyang si Sarah Discaya na may higit 24,000 votes.

At si Mayor Wes Gatchalian ng Valenzuela City na unopposed o walang kalaban at nakakuha ng higit 218,000 votes.

Naiproklama na ring mayor si Francis Zamora ng San Juan City na may higit 50,000 votes.

Maging si Jeannie Sandoval ng Malabon City na may higit 92,000 votes.

Samantala, hindi pa naiproklama ang ibang mayor sa Metro Manila.

ADVERTISEMENT

Pero nangunguna sina:

• Along Malapitan sa Caloocan

• April Aguilar sa Las Piñas

• Nancy Binay sa Makati

• Maan Teodoro sa Marikina

ADVERTISEMENT

• Edwin Olivarez sa Parañaque

• Lani Cayetano sa Taguig

• Isko Moreno sa Maynila

• Emi Calixto-Rubiano sa Pasay

• Joy Belmonte sa Quezon City

ADVERTISEMENT

• Gerald German sa Pateros

Habang hinihintay pa kung maaabot ng mga unopposed mayoral candidate ang sapat na boto para manalo sa halalan.

Kabilang sa mga kandidato bilang mayor sa Metro Manila na walang kalaban sina:

• Menchie Abalos sa Mandaluyong

• Ruffy Biazon sa Muntinlupa

ADVERTISEMENT

• John Rey Tiangco sa Navotas

• Wes Gatchalian sa Valenzuela

What do you feel about this article?