Sa kabila ng ilang ulat ng kaguluhan sa bansa, sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief General Rommel Francisco Marbil na generally peaceful ang 2025 midterm elections.
Ayon kay Marbil, wala umanong malaking delay na naiulat sa conduct ng midterm polls sa Metro Manila, habang tiniyak naman niyang nasasagawa ang contingency plans ng Comelec sa mga report ng umano’y palyadong automated counting machines.
Sa ngayon, inatasan na ng hepe ng pambansang pulisya ang lahat ng PNP units na i-secure ang canvassing ng mga boto.
Lalo’t kritikal ang oras ngayong paglaganap ng dilim para sa pagbabantay.

