Bantay Boto 2025Latest News

Bong Go at Bam Aquino, nangunguna sa resulta ng halalan

Nangunguna si Senador Bong Go sa partial at unofficial tally sa pagkasenador.

Giselle Crazo · · 1 min read

Nangunguna si Senador Bong Go sa partial at unofficial tally sa pagkasenador.

Nakakuha si Bong Go ng mahigit 21 milyong boto.

Sumusunod naman sina Bam Aquino at Bato Dela Rosa na kapwa nakakuha ng mahigit 16 milyong boto.

Pasok rin ang kapatid ni Senador Raffy Tulfo na si Erwin Tulfo, na nakakuha ng mahigit 13 milyon.

Kasama rin sa Magic 12 sina Kiko Pangilinan, Ping Lacson, Tito Sotto, Pia Cayetano, Camille Villar, Lito Lapid, at presidential sister Imee Marcos.

ADVERTISEMENT

Habang nasa ika-labing tatlong puwesto naman sina Ben Tulfo, Ramon Revilla, at Abby Binay.

Samantala, oras na matapos ang bilangan ng boto, ipoproklama na ng Comelec ang mga nanalo sa senatorial race.

What do you feel about this article?