SportsLatest News

Alex Eala, patuloy na umaangat sa WTA rankings

Kahit na hindi pinalad nitong mga huling laban si Pinay tennis star Alex Eala, patuloy pa rin itong umaangat sa Women’s Tennis Association rankings ng mundo.

Mico Agustin · · 1 min read

Kahit na hindi pinalad nitong mga huling laban si Pinay tennis star Alex Eala, patuloy pa rin itong umaangat sa Women’s Tennis Association rankings ng mundo.

Mula ika-70 noong nakaraang linggo, umakyat pa sa ika-64 na pwesto si Eala kahapon.

Matatandaang tinawag na isa sa mga “rising star” si Eala ng mga eksperto sa mundo ng tennis.

Sa ngayon, naglalaro si Eala sa Italian Open doubles kasama si world number 3 Coco Gauff.

What do you feel about this article?