Hindi lamang pala isa, at hindi rin dalawa, dahil tatlong Pinoy ang pasok sa Top 10 finalist ng Aster Guardians Global Nursing Award 2025.
Bukod kay Dubai-based nurse Fitz Gerald Dalina Camacho, finalist rin sa award si Dr. Jose Arnold Tariga, na kasalukuyang director ng Clinical Education and Development ng Insight Global Health sa Boston, United States.
Top 10 finalist rin si Dr. Jed Ray Gengoba Montayre, na associate professor naman sa The Hong Kong Polytechnic University at kilalang gerontologist.
Si Dr. Tariga ay kinilala para sa kanyang husay sa nursing education and policy gaya na lamang ng kanyang international transition to practice program na nagbigay suporta sa mga internationally educated nurses.
ADVERTISEMENT
Si Dr. Montayre naman ay kinilala dahil sa kanyang mga pag-aaral na nakatulong para sa healthcare policies para sa mga aging populations.
Sa Mayo 26 iaanunsyo ang mananalo sa Aster Guardians Global Nursing Award 2025 sa Dubai, kung saan mag-uuwi ng 250,000 US dollars ang magwawagi ng prestihiyosong award.

