Bantay Boto 2025Latest News

Ecowaste Coalition, nanawagan sa isang ‘malinis’ na halalan sa Lunes

Literal na malinis na halalan. Ito ang panawagan ng environmental group na Ecowaste Coalition sa parating na halalan sa Lunes.

Mico Agustin · · 1 min read

Literal na malinis na halalan.

Ito ang panawagan ng environmental group na Ecowaste Coalition sa parating na halalan sa Lunes.

Ayon sa grupo, dapat ay sumunod ang lahat ng mga kandidato sa Ecological Solid Waste Management Act at huwag na silang magkalat hanggang sa huling araw ng kanilang pangangampanya sa Mayo 10.

Dapat din umanong huwag nang gumamit ng kahit anong paraphernalia ang mga tumatakbo sa mismong araw ng eleksyon, maging ang kanilang mga tauhan.

ADVERTISEMENT

Ipinaalala rin ng grupo na maraming kalat ang nakuha sa buong bansa noong natapos ang barangay at Sangguniang Kabataan elections noong 2023.

What do you feel about this article?