Iginiit ni Senate President Francis Escudero na dapat kanselahin na ang lisensya ng mga tinaguriang ‘kamote drivers’ na nasasangkot sa road rage at mga seryosong disgrasya.
Ayon kay Escudero, hindi nakakatawa ang mga viral na kamote driving videos lalo’t delikado ito sa kalsada at nakakaperwisyo sa maraming buhay.
Giit niya, hindi na suspensyon—kailangang kanselasyon na ng lisensya ang kailangan lalo’t kulang na sa disiplina ang mga driver kaya dapat may mabigat na hakbang para maibalik ang kaayusan sa kalsada.
Magugunitang namatay kamakailan ang dalawang indibidwal matapos araruhin ng isang sports utility vehicle ang walkway sa labas ng Terminal 1 departure entrance area ng Ninoy Aquino International Airport.



