Bantay Boto 2025Latest News

Sen. Imee Marcos, naniniwalang apektado umano ang family name na Marcos kaya patuloy na sumasadsad sa mga pre-election survey

Aminado si Senator Imee Marcos na bumaba ang kanyang ratings sa survey dahil sa masamang tingin ng publiko sa administrasyon ng kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos.

Giselle Crazo · · 1 min read

Aminado si Senator Imee Marcos na bumaba ang kanyang ratings sa survey dahil sa masamang tingin ng publiko sa administrasyon ng kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos.

Sa latest Pulse Asia survey, bumaba sa 25 percent ang approval rating ng Pangulo mula 42 percent noong Pebrero.

Habang sa senatorial surveys, nasa labas ng winning circle si Senator Imee mula 13th pababa sa 18th place na lamang ngayon.

Giit ni Imee, masama ang ratings ng administrasyon dahil pareho sila ng apelyido at nadadamay siya umano.

ADVERTISEMENT

Kahit kasi may endorsement mula kay Vice President Sara Duterte, hindi ito sapat para maibalik siya sa ligtas na puwesto sa survey ayon naman sa W-R Numero.

Matatandaang iniwan ni Imee ang admin slate noong Marso matapos imbestigahan ang pag-aresto kay ex-President Duterte kaya lalong lumabo ang kanyang posisyon sa gitna ng banggang Marcos-Duterte, ayon sa ilang mga analyst.

What do you feel about this article?