
Patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang low pressure area na huling namataan 80 kilometro silangan-hilagang silangan ng Cuyo, Palawan.
Ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA, ang naturang LPA ay hindi inaasahang maging bagyo at maaaring malusaw sa loob ng 24 oras.
Gayunpaman, magpapaulan pa rin ito sa bahagi ng Southern Luzon, gaya ng Calabarzon, Bicol Region at Mimaropa, Visayas at hilagang parte ng Mindanao.
Habang ang easterlies naman galing sa silangang bahagi ng bansa ay magdadala pa rin ng mainit na panahon sa ibang bahagi ng Luzon at Mindanao.
ADVERTISEMENT
Ang easterlies din ay may mas madaming dalang moisture kaya’t inaasahan ang mas mataas na tyansa ng pag-ulan at thunderstorm lalo sa hapon at gabi.


