DZJV Radyo CALABARZONRegional

Trailer truck, tumagilid sa Atimonan, Quezon

Tumagilid ang isang trailer truck matapos mawalan ng preno sa bahagi ng Diversion Road, Barangay Sta. Catalina, Atimonan, Quezon, kahapon, May 6. Dahil dito, agad na bumagal ang daloy ng…

rasibag · · Updated · 1 min read
Photo courtesy: Atimonan MDRRMO

Tumagilid ang isang trailer truck matapos mawalan ng preno sa bahagi ng Diversion Road, Barangay Sta. Catalina, Atimonan, Quezon, kahapon, May 6.

Dahil dito, agad na bumagal ang daloy ng trapiko sa New Zigzag Road, kung saan isang linya lamang ang bukas para sa mga dumaraang sasakyan.


Mabilis naman itong inaksyunan ng mga tauhan ng Atimonan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), PNP, at BFP.

Samantala, pinayuhan ng mga awtoridad ang bawat biyahero na maging maingat, sundin ang mga opisyal na abiso, at magdala ng tubig bilang proteksyon sa matinding init ng panahon.

ADVERTISEMENT

What do you feel about this article?