
Kinansela at binawi na ng Tayabas City LGU ang business permit ng Lord of Mercy Poultry Farm-A sa Brgy. Lawigue, dahil sa paglabag nito sa Presidential Decree 856 o Sanitation Code of the Philippines.
Sa bisa ng Closure Order na inisyu ng Local Chief Executive na may petsang May 2, agad na ikinandado ng mga tauhan ng Joint Inspectorate Team na binubuo ng BPLO, City ENRO at CHO sa tulong ng Tayabas Component City Police Station, ang gate ng nasabing poultry farm.
Labis naman ang pasasalamat ng mga residente sa hakbang na ito ng kanilang lokal na pamahalaan.

