Good NewsLatest News

Pinoy dancers, bumida sa World of Dance Italy

Nagningning muli ang talento ng mga Pilipino sa pandaigdigang entablado, ngayon naman, dahil sa kanilang husay sa pagsasayaw.

Carlene Latuna · · 1 min read

Nagningning muli ang talento ng mga Pilipino sa pandaigdigang entablado, ngayon naman, dahil sa kanilang husay sa pagsasayaw.

Wagi ang mga kabataang Filipino-Italians sa World of Dance Italy 2025 na ginanap sa Roma.

Naiuwi ng 17-year-old na si Andrew Magahis ang unang parangal sa Solo Junior Division.

Samantala, ang magkakapatid namang si Kyle, Keith, at Christopher Portugal ay nagkamit rin ng mga award sa iba’t ibang kategorya.

Si Kyle ay ginawaran ng Crowd Favorite Award sa K-pop Division, si Keith at Christopher na kilala ring ‘Icon Twinz’ ay nagkamit ng Best Costume Award.

ADVERTISEMENT

Sa pangalawang sunod na taon naman, si Keith ay nanalo ng unang pwesto sa Solo K-pop Division.

Nagkamit rin ng mga parangal ang iba pang Pinoy dance crews gaya ng Hermes Crew, LD New Code, at Barkada, na 3rd place sa Team Division.

What do you feel about this article?