
Isang lalaki ang umakyat at nagtangka pang tumalon mula sa isang apat na palapag na gusali sa Lucena City, kanina, pasado alas-8:00 ng umaga.
Agad naman itong nirespondehan ng mga tauhan ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, at tauhan ng LGU para mapigilan sa pagtalon.
Inabot umano ng dalawa’t kalahating oras ang pakikipagnegosasyon ng mga awtoridad bago ito napakiusapan at kusang loob na bumaba.
Hindi naman na isinapubliko ng awtoridad ang dahilan ng tangkang pagpapakatiwakal ng lalaki.
ADVERTISEMENT
