
Tatlong lalaki ang inaresto sa Silangan Elementary School, Santa Cruz, Laguna, kahapon, Mayo 5, matapos magpanggap na taga-COMELEC at tangkaing inspeksyunin ang mga Automated Counting Machines (ACM).
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Joel, Jose, at Noli, na pawang taga-Quezon City.
Nadiskubre ang panlilinlang ng mga ito matapos beripikahin ng isang election officer at tauhan ng COMELEC Laguna ang kanilang ID, na napatunayang peke at walang kaugnayan sa opisina.
Samantala, agad inaresto ang mga ito at kasalukuyan nang nakakulong sa Sta. Cruz Municipal Police Station dahil sa kasong Usurpation of Authority at Falsification of Public Documents.
ADVERTISEMENT

