Inanunsyo ng Comelec na maaaring italaga ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang special electoral board o SEB members sa nalalapit na halalan sa Mayo 12, sakaling walang ibang available na security personnel.
Ayon kay Comelec Chair George Garcia, mas pinapaboran pa rin ang mga sinanay na opisyal mula sa Philippine National Police, kung saan higit 9,000 ang nahandang tauhan—doble sa orihinal na hiling na 4,000.
Batay sa patakaran ng Comelec, maaaring i-deploy ang AFP o PNP sa mga lugar na may banta sa kapayapaan, lalo na sa mga “red” election areas of concern.
Ang mga magsisilbing SEB personnel ay tatanggap ng honoraria na P12,000 para sa chairpersons at P11,000 para sa mga miyembro, kasama ang minimum na limang araw ng service o leave credits.
ADVERTISEMENT
Comelec: Automated counting machines, naipadala na lahat sa buong bansa
Tuloy-tuloy ang paghahanda ng Comelec para sa Election 2025.
Pahayag ni Comelec Chairman Atty. George Erwin Garcia, naipadala na ang lahat ng automated counting machines (ACM) sa iba’t ibang lugar sa bansa.
ADVERTISEMENT
Sa ngayon, nagpapatuloy ang final sealing at testing sa mga ACM na target matapos sa Mayo 7.
Samantala, nasa 8,000 Starlink satellite transmission device na rin ang ipinakalat ng Comelec sa bansa para matiyak ang maayos na transmission ng boto.
PNP, naka-full alert na para sa parating na halalan
ADVERTISEMENT
Naka-full alert na ang Philippine National Police (PNP) sa buong bansa para sa parating na midterm elections sa susunod na Lunes, Mayo 12.
Nangako ang PNP na fully prepared na ang buong kapulisan na magbabantay sa seguridad ng halalan sa bawat presinto sa bansa.
Magtatalaga rin sila ng dagdag na pwersa sa paligid ng mga voting center at mga itinakdang critical area sa bawat rehiyon.
ADVERTISEMENT
Nagpaalala naman ang PNP sa publiko na maging mapagmatyag at i-report sa kanila ang anumang kahina-hinalang aktibidad mula ngayon hanggang sa mismong araw ng halalan.

