DZJV Radyo CALABARZONRegional

2 banyaga, arestado dahil sa iba’t ibang paglabag sa Bacoor Cavite

Arestado ang dalawang banyaga sa Brgy. Bayanan Bacoor Cavite matapos tumakas sa Oplan Sita checkpoint ng Bacoor City Police.  Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Ang” ng Pasay City…

Maricon Rodriguez · · Updated · 1 min read
Photo Courtesy: Cavite PPO

Arestado ang dalawang banyaga sa Brgy. Bayanan Bacoor Cavite matapos tumakas sa Oplan Sita checkpoint ng Bacoor City Police. 

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Ang” ng Pasay City at alyas “Zao” ng Parañaque City.

Ayon kay PLTCOL John Paolo Carracedo, nagsimula ang operasyon nang hindi huminto ang sinasakyang pick-up ng mga suspek sa checkpoint sa Daang Hari. 

Agad silang tinugis at nahuli sa NOMO Road matapos ang habulan.

Nakumpiska sa mga ito ang baril na Bersa Thunder 380, mga bala, scopes, plate numbers, pitong iPhones, dalawang Android phones, IDs, at iba pang gamit na ngayon ay isinasailalim sa pagsusuri.

ADVERTISEMENT

Samantala, pinuri ni PRO CALABARZON Director PBGEN Paul Kenneth Lucas at PCOL Dwight Alegre ng Cavite PPO ang mabilis na aksyon ng mga pulis. 

Habang tiniyak nilang mananagot ang mga suspek at magpapatuloy ang kampanya laban sa kriminalidad, lalo na sa panahon ng halalan.

What do you feel about this article?