COMELEC Laguna, may babala kaugnay sa pekeng “Watchers’ Training”

📅
👤 rasibag  |  📂 DZJV Radyo CALABARZON
Photo courtesy: COMELEC Laguna

Naglabas ng babala ang Commission on Elections Laguna hinggil sa mga kandidato at political parties na ginagamit umano ang “watchers o coordinators’ training” bilang panakip sa ilegal na pamimili ng boto.

Ayon sa ahensya, may mga natukoy na silang nagsagawa ng ganitong aktibidad kung saan pinapupunta ang mga tao sa isang training ngunit doon pala namimigay ng pera o iba pang bagay na may halaga.

Giit ng mga ito, isa itong uri ng pamimili ng boto na siyang paglabag sa Omnibus Election Code.

Dahil dito, inoobliga ang lahat ng kandidato at partido na magsumite ng abiso sa kanilang Election Officer, 24 oras bago magsagawa ng training.

Dapat anila ay nakasaad sa abiso ang petsa, oras, lugar, at kumpletong listahan ng dadalo na naisumite bago o mismong araw noong April 27.

ADVERTISEMENT

Ito na umano ang huling paalala ng ahensya laban sa mga maling gawain ngayong halalan.