Good NewsLatest News

2 Pelikulang Pilipino, wagi ng malalaking parangal sa Ahmedabad Int’l Film Fest sa India

'Two is better than one' dahil dalawang pelikulang Pilipino ang nagbigay karangalan sa ating bansa sa katatapos lamang na Ahmedabad International Film Festival sa India.

Carlene Latuna · · 1 min read

‘Two is better than one’ dahil dalawang pelikulang Pilipino ang nagbigay karangalan sa ating bansa sa katatapos lamang na Ahmedabad International Film Festival sa India.

Ang short film na May Billboard Na Si Elias at ang pelikulang Guardia de Honor ay kabilang sa mga finalist at nag-uwi ng parangal mula sa iba’t ibang kategorya.

Finalist ng Short Film – Foreign Category ang May Billboard Na Si Elias ng EJLCreatives, sa panulat at direksyon ni Earl Justin Lipana.

Nagwagi naman ng Best Actor award ang bumida sa pelikula na si Jemuel Cedrick Razon Satumba.

Nagkamit rin ng malalaking parangal ang full-length film na Guardia de Honor, kabilang na ang Best Director para kay Direk Jay Alterajos at Best Actress para sa batikang aktres at direktor na si Laurice Guillen.

ADVERTISEMENT

Sina Guardia de Honor producers, Art Cruz at Riz Cruz, ang tumanggap ng parangal para sa pelikula.

Pagbati para sa mga pelikulang ipinamalas ang talento at galing ng Pilipino sa pagkukuwento sa pandaigdigang entablado.

What do you feel about this article?