DZJV Radyo CALABARZONRegional

P850k halaga ng Shabu, nasabat sa Cavite

Naaresto ang dalawang drug suspek, kabilang ang isang High Value Individual (HVI), sa isang matagumpay na buy-bust operation ng Cavite Police sa Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City. Nasabat sa mga…

Maricon Rodriguez · · Updated · 1 min read
Photo Courtesy: PRO-4A

Naaresto ang dalawang drug suspek, kabilang ang isang High Value Individual (HVI), sa isang matagumpay na buy-bust operation ng Cavite Police sa Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City.

Nasabat sa mga suspek ang 125 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P850, 000, kasama ang marked money at cellphone na ginamit sa operasyon.

Kinilala sa mga alyas na “Arapat” at alyas na “Queenie” ang mga suspek.

Samantala, nasa kustodiya na ng Dasmariñas City Police ang mga ito at nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

What do you feel about this article?