DZJV Radyo CALABARZONRegional

Mga ilegal na kahoy, nasabat sa Balayan

Nasabat ng DENR-CENRO Calaca, kasama ang PNP-Balayan, PCG-Balayan, at MENRO Balayan, ang 984.67 board feet ng ilegal na Red at White Lauan sa Barangay Navotas, Balayan, Batangas. Nadiskubre ang nasa…

rasibag · · Updated · 1 min read
Photo courtesy: DENR IV-A

Nasabat ng DENR-CENRO Calaca, kasama ang PNP-Balayan, PCG-Balayan, at MENRO Balayan, ang 984.67 board feet ng ilegal na Red at White Lauan sa Barangay Navotas, Balayan, Batangas.

Nadiskubre ang nasa 36 na piraso ng ilegal na kahoy matapos itong i-report ng isang concerned citizen.

Samantala, agad na dinala ang mga ito sa DENR Provincial Nursery sa Calaca para sa safekeeping at imbestigasyon, alinsunod sa DENR Administrative Order 97-32.

Pinaalalahanan naman ng DENR ang publiko na bawal ang pagbiyahe ng kahoy nang walang permit, batay sa Presidential Decree No. 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.

ADVERTISEMENT

What do you feel about this article?