DZJV Radyo CALABARZONRegional

Mayor ng General Luna, pinadidiskwalipika sa eleksyon dahil sa umano’y vote buying

Inaprubahan ng Commission on Elections (COMELEC) 1st Division ang petisyon para sa diskwalipikasyon ni General Luna Mayor Matt Erwin Florido bilang kandidato sa pagka-kongresista ng ikatlong distrito ng Quezon. Batay…

rasibag · · Updated · 1 min read
Photo courtesy of COMELEC

Inaprubahan ng Commission on Elections (COMELEC) 1st Division ang petisyon para sa diskwalipikasyon ni General Luna Mayor Matt Erwin Florido bilang kandidato sa pagka-kongresista ng ikatlong distrito ng Quezon.

Batay sa desisyon ng COMELEC, may sapat na batayan ang alegasyon ng vote-buying laban kay Florido, na tumatakbo para sa halalan sa Mayo 12, 2025.

Ayon sa reklamo, namigay umano ng pera ang kampo ni Florido sa isang pagtitipon kapalit ng suporta sa eleksyon.

Nanindigan naman si Florido na tuloy ang kanyang laban lalo’t maaari pa siyang maghain ng apela sa Comelec en banc.

ADVERTISEMENT

Nagpahaging din ito sa kanyang kalaban at sinabing may natatakot sa kanyang pagkatakbo kaya may nagsulong na naman ng diskwalipikasyon laban sa kanya.

What do you feel about this article?