DZJV Radyo CALABARZONRegional

Vice mayoralty Candidate sa Quezon, sugatan sa pamamaril

Patuloy na iniimbestigahan ng Quezon Provincial Police Office (PPO) ang insidente ng pamamaril kay Plaridel, Quezon, Ex-Mayor Wilfredo Madrona Magbuhos, 52-anyos, na kasalukuyang kumakandidato sa pagka-bise-alkalde sa naturang bayan. Base…

rasibag · · Updated · 1 min read
Photo courtesy: Charles Anthony Magbuhos

Patuloy na iniimbestigahan ng Quezon Provincial Police Office (PPO) ang insidente ng pamamaril kay Plaridel, Quezon, Ex-Mayor Wilfredo Madrona Magbuhos, 52-anyos, na kasalukuyang kumakandidato sa pagka-bise-alkalde sa naturang bayan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nangyari ito bandang alas-11:57 kagabi, April 29, sa bahagi ng Old Maharlika Highway, Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City, Quezon.

Base sa salaysay ng biktima, habang bumababa ang kanyang empleyado mula sa sasakyan, isang hindi pa nakikilalang suspek ang nagtangkang agawin ang kanyang bag.

Nang manlaban si Magbuhos, agad siyang binaril ng suspek, na tumama sa kanyang kanang braso at kaliwang binti.

Dahil dito, frustrated robbery sa ngayon ang tinitingnang anggulo ng kapulisan sa krimen.

ADVERTISEMENT

Samantala, kasalukuyang nakatutok sa insidente ang Special Investigation Task Force na binuo ng Quezon Police Provincial Office, alinsunod na rin sa direktiba ni PRO IV-A Regional Director PBGen. Paul Kenneth T. Lucas na magsagawa ng malalimang imbestigasyon.

Nanawagan naman ang Quezon PNP sa publiko, lalo na sa sinumang may impormasyon kaugnay sa pangyayari, na makipag-ugnayan sa Lucena City Component Police Station.

What do you feel about this article?