
Arestado ang isang lalaki makaraang maaktuhang gumagamit ng ilegal na kemikal habang nangingisda sa bahagi ng Basiad Bay, Calauag, Quezon.
Ayon sa Calauag Municipal Law Enforcement Team o MLET, nagsasagawa ng seaborne patrol operation ang kanilang mga tauhan bandang alas-4:00 ng madaling araw nang mamataan ang isang hindi markadong bangka, humigit-kumulang isang kilometro ang layo mula sa baybayin ng Brgy. Dapdap.
Nang puntahan, doon na tumambad sa awtoridad ang tatlong bote ng hinihinalang ammonium nitrate, 0.25 kilo ng hinihinalang sodium cyanide, at isang walang lamang squeeze bottle.
Samantala, agad namang dinala ang suspek sa tanggapan ng Calauag MLET, gayundin ang mga ebidensya para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.
ADVERTISEMENT

