Latest NewsNews Light

Pilipinas, pinabulaanan ang claim ng China na kontrolado na nito ang Sandy Cay

Pinasinungalingan ng Malacañang ang claim ng China na nakubkob na nila ang operasyon ng Pilipinas sa Sandy Cay, isang sand bank malapit sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea.

Giselle Crazo · · 1 min read

Pinasinungalingan ng Malacañang ang claim ng China na nakubkob na nila ang operasyon ng Pilipinas sa Sandy Cay, isang sand bank malapit sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea.

Ayon kay Palace Press Officer, Usec. Claire Castro, nakumpleto ng Philippine team ang interagency maritime operation nito sa Pag-asa Island at mga karatig na lugar.

Tuloy-tuloy pa rin aniya ang pagprotekta sa karapatan ng Pilipinas sa teritoryo na naaayon sa international law habang pinananatili ang kapayapaan sa rehiyon.

What do you feel about this article?