
Isang drug den ang nabuwag sa Lucena City matapos ang operasyon ng PDEA Quezon at PDEA Marinduque noong Abril 27, 2025, pasado alas-6:00 ng gabi.
Pitong katao, kabilang ang isang menor de edad, ang inaresto sa Purok 3A, Barangay Dalagican.
Nakumpiska mula sa kanila ang tinatayang 20.9 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P142,120, kasama ang iba’t ibang drug paraphernalia at buy-bust money.
Kabilang sa mga naaresto ay mga mangingisda, fish vendor, STL collector, at dried fish vendors.
ADVERTISEMENT
Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

