Nagsampa ang Department of Justice (DOJ) ng kasong qualified human trafficking laban kina Atty. Harry Roque at Cassandra Ong, incorporator ng Porac-based Whirlwind Corporation, dahil sa pagkakasangkot sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Porac, Pampanga.
Inihain kahapon sa Angeles City Regional Trial Court ang kaso laban kay Roque, Ong, at iba pang umano’y parte ng POGO sa Pampanga kabilang sina Dennis Cunanan at Darren Wu.
Inirereklamo ang mga indibidwal dahil sa kanilang umano’y pananakot, pamimilit, at pang-aabuso sa mga empleyado ng POGO hub.
Si Roque naman ay nadawit dahil sa papel nito bilang legal counsel ng mga operator na nagpapakita ng pagbalewala sa kanilang ilegal na mga gawain.
ADVERTISEMENT
Naglabas naman ng hinaing si Roque ukol sa kaso at tinawag itong hindi makatarungan.
Matatandaang sinimulang imbestigahan ang POGO hub sa Pampanga na kinasasangkutan ni Ong maging ni Alice Guo o Gua Hua Ping noong 2024.

