DZJV Radyo CALABARZONRegional

“Passport on Wheels” ng Pro-4A, nakapagbigay serbisyo sa 365 na pulis at dependent ng mga ito

Matapos ang isinagawang “Passport on Wheels for the PNP Personnel and their Dependents” noong Abril 15, 2025, matagumpay nang natanggap ng mga tauhan ng Police Regional Office CALABARZON (PRO-4A) at…

Maricon Rodriguez · · Updated · 1 min read
Photo Courtesy: PRO-4A

Matapos ang isinagawang “Passport on Wheels for the PNP Personnel and their Dependents” noong Abril 15, 2025, matagumpay nang natanggap ng mga tauhan ng Police Regional Office CALABARZON (PRO-4A) at kanilang mga pamilya ang kanilang mga pasaporte.


Pinangunahan ni Regional Director PBGen Paul Kenneth T. Lucas ang programa katuwang ang Department of Foreign Affairs (DFA) na nagbigay serbisyo sa 365 benepisyaryo.


Ang inisyatiba ay bahagi ng “Serbisyong BAYANIHAN Caravan para sa Kapulisan at Kapamilya ng PRO4A”, alinsunod sa direktiba ni PNP Chief PGen Rommel Francisco D. Marbil na may temang “Damayang may Malasakit sa Kapulisan.”

What do you feel about this article?