Good NewsNews Light

Never too late: 55-year-old na ginang, matagumpay na nagtapos sa senior high school

Isang ginang ang nagbigay inspirasyon sa social media dahil pinakita nito na hindi pa huli ang lahat para makamit ang pangarap.

Carlene Latuna · · 1 min read

Isang ginang ang nagbigay inspirasyon sa social media dahil pinakita nito na hindi pa huli ang lahat para makamit ang pangarap.

Sa post ng guro na si Froilan Doblon, ibinahagi niya ang kanyang paghanga sa kanyang estudyante na si Milagros Melgar o kung tawagin niya ay Ate Mila.

Ito ay dahil junior high school pa lamang nakita na niya ang pagpupursigi nito na makatapos ng high school kahit pa hindi na niya ka-edad ang kanyang mga kaklase.

Hanggang ito ay tumuntong ng senior high school, hindi siya tumigil na pagsikapan ang diploma na hangad sa gitna man ng mga problema.

ADVERTISEMENT

At nagbunga nga ang kanyang pagsisikap dahil nitong Abril, nakapagtapos na si Ate Mila ng senior high school sa edad na 55.

Maraming netizens ang nagpaabot ng pagbati at namangha sa pagpupursigi ni Ate Mila.

What do you feel about this article?