
Inanunsyo ng Department of Labor and Employment na may higit 170,000 na trabaho ang iaalok sa mga Pilipino sa Araw ng Paggawa sa Mayo 1.
Ayon sa panayam kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, nasa 70 na lugar ang magbubukas sa nationwide job fair sa Labor Day kung saan may higit 2,000 employer ang lalahok na maaari pa aniyang madagdagan.
Inaanyayahan ang mga job seekers na dumalo sa mga job fair na isasagawa sa mga local malls.
Dagdag pa ng kalihim, parte ng nationwide job fair ang mga ahensyang magbibigay ng mga kinakailangang dokumento sa paghahanap ng mga trabaho.
ADVERTISEMENT

