DZJV Radyo CALABARZONRegional

Mahigit P2-M halaga ng droga, nasamsam ng Pulis Calabarzon

Nasabat ng Police Regional Office CALABARZON o PRO IV-A ang milyun-milyong pisong halaga ng ilegal na droga sa loob lamang ng 24 oras na operasyon mula Abril 26–27, 2025. Base…

Maricon Rodriguez · · Updated · 1 min read

Nasabat ng Police Regional Office CALABARZON o PRO IV-A ang milyun-milyong pisong halaga ng ilegal na droga sa loob lamang ng 24 oras na operasyon mula Abril 26–27, 2025.


Base sa ulat ng PRO IV-A, nasa 256.02 grams ng umano’y shabu at 200 grams ng marijuana ang nasabat sa 43 operasyon.


Kabilang sa mga naaresto sina alyas “Rafael,” “Ramil,” “Ringo,” “Drixon,” “Edwardo,” “Rosalinda,” “Jozef,” at “Gio” mula sa iba’t ibang bahagi ng Laguna.


Sa ngayon, nakakulong ang mga ito sa custodial facility ng kani-kanilang arresting police station at sinampahan na rin ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

ADVERTISEMENT

Photo Courtesy: PRO-4A
What do you feel about this article?