DZJV Radyo CALABARZONRegional

Mahigit 200 Health Cards, kinumpiska ng Comelec Cabuyao dahil sa alegasyon ng Vote-Buying

Kinumpiska ng Commission on Elections o COMELE Cabuyao ang nasa 256 health cards mula sa isang babae. Ayon kay COMELEC Cabuyao Officer Atty. Ralph Jireh Bartolome, nakapangalan sa Gobernador ng…

Maricon Rodriguez · · Updated · 1 min read
Photo Courtesy: Contributed Photo

Kinumpiska ng Commission on Elections o COMELE Cabuyao ang nasa 256 health cards mula sa isang babae.


Ayon kay COMELEC Cabuyao Officer Atty. Ralph Jireh Bartolome, nakapangalan sa Gobernador ng Laguna ang mga nasabing health card.


Gayunpaman, nilinaw ni Bartolome na walang sapat na ebidensyang magpapatunay na ginagamit ang mga ito sa vote-buying, kaya’t iniutos niyang palayain ang babae.


Sa ngayon, wala pang pahayag ang kampo ng Gobernador hinggil sa insidente.

ADVERTISEMENT


Samantala, magsisilbi umanong ebidensya ang mga nakumpiskang health cards sakaling may maghain ng reklamo.

What do you feel about this article?