Hindi bababa sa 11 ang nasawi matapos na araruhin ng isang SUV ang grupo ng mga Pinoy na dumalo sa isang street festival sa Vancouver, British Columbia, sa Canada.
65 years old ang pinakamataas sa mga biktima habang 5 years old naman ang pinakabata.
Ayon kay Vancouver Interim Chief Constable Steve Rai, ito na ang pinakamalagim na insidente sa kasaysayan ng Vancouver.
Arestado ang tatlumpung taong gulang na suspek na may history umano ng mental health issues.
ADVERTISEMENT
Nagkasa na ng imbestigasyon ang Vancouver Police, at pinabulaanan na terrorist attack ang insidente.
Nakatakda namang magtungo sa Vancouver si Canadian Prime Minister Mark Carney para makiramay sa naulila ng mga biktima.
Samantala, nag-abot din ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. maging ang Department of Foreign Affairs sa mga naulila.
ADVERTISEMENT
Ayon sa Pangulo, makikipagtulungan ang Philippine Consulate General sa Vancouver sa imbestigasyon.
Sisiguraduhin din aniya ng pamahalaan na matutulungan ang mga naulila.
Ang naturang street festival ay ginagawa taun-taon ng Filipino community sa Vancouver.
ADVERTISEMENT
Papatapos na sana ang masayang pagdiriwang bandang alas-otso ng gabi ng mangyari ang insidente.

