News LightLatest News

Bilang ng pamilyang Pilipino na mahirap, tumaas nitong Abril

Tumaas ang bilang ng pamilyang Pilipino na ikinukunsidera ang sarili na mahirap ngayong buwan ng Abril.

Newslight · · 1 min read

City street with trash floating in water

Tumaas ang bilang ng pamilyang Pilipino na ikinukunsidera ang sarili na mahirap ngayong buwan ng Abril.

Batay yan sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations ngayong Abril.

Lumalabas na 15.5-M o nasa 55% ng pamilyang Pilipino ang nagsasabing sila ay mahirap.

Mas mataas ito kumpara sa naitalang 14.4-M o 52% noong buwan ng Marso.

ADVERTISEMENT

12% naman ang nagsabing sila ay nasa borderline, habang 32% ang nagsasabing hindi sila mahirap.

What do you feel about this article?