SportsLatest News

Alex Eala, target ang malaking comeback sa pagsisimula ng Catalonia Open

Hindi nagpatinag si Pinay sensation Alex Eala sa kanyang pagkatalo kay World No. Two Iga Świątek sa Madrid Open.

Mico Agustin · · 1 min read

Hindi nagpatinag si Pinay sensation Alex Eala sa kanyang pagkatalo kay World No. Two Iga Świątek sa Madrid Open.

Bagkus ay agad itong lalaro ngayong araw para naman sa Catalonia Open sa Osona, Spain.

Magiging sixth-seed si Eala sa main draw ng Catalonia Open kasama ang ilang malalaking pangalan gaya ni Bianca Andreescu, at si Filipina-Canadian Leylah Fernandez, na naunang nakilala matapos umangat sa 2021 US Open finals.

Para kay Eala, tuloy-tuloy lamang ang kanyang paglalaro bago dumating ang Mayo na kung saan naghihintay ang dalawang malalaking event sa mundo ng tennis, ang Italian Open, at French Open na kung saan si Eala ang kauna-unahang Pilipina na makakapaglaro sa main draw nito.

ADVERTISEMENT

What do you feel about this article?