DZJV Radyo CALABARZONRegional

2 bangkay ng lalaki, natagpuan sa Antipolo City

Tukoy na ng Antipolo City Police ang identidad ng dalawang bangkay na natagpuan sa masukal na bahagi ng boundary ng San Mateo at Antipolo City, Rizal, noong Biyernes, April 25.…

rasibag · · Updated · 1 min read
Photo courtesy of Barangay Silangan PIO

Tukoy na ng Antipolo City Police ang identidad ng dalawang bangkay na natagpuan sa masukal na bahagi ng boundary ng San Mateo at Antipolo City, Rizal, noong Biyernes, April 25.

Mababatid na isang concerned citizen ang nakadiskubre sa mga biktima na agad namang idinulog sa mga opisyal ng Brgy. Silangan na nakasasakop sa lugar.

Ayon sa pulisya, parehong nakatali ang kamay ng mga biktimang nasa edad 52-anyos at 37-anyos, na residente rin sa lungsod.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon at follow-up operation ng Antipolo City Police upang malaman ang motibo at pagkakakilanlan ng suspek sa krimen.

ADVERTISEMENT

What do you feel about this article?