SportsLatest News

Tatlong kumpanya, nagpahayag ng pagnanais na bilhin ang prangkisa ng Terrafirma sa PBA

Tatlong kumpanya na ang nagpahayag ng pagnanais na bilhin ang prangkisa ng Terrafirma Dyip sa PBA.

Mico Agustin · · 1 min read

Tatlong kumpanya na ang nagpahayag ng pagnanais na bilhin ang prangkisa ng Terrafirma Dyip sa PBA.

Ito ay matapos ang anunsyong hindi na matutuloy ang naunang planong pagbili ng Starhorse Shipping Lines sa naturang prangkisa.

Sa ngayon, hindi pa inilalabas ni PBA Commissioner Willie Marcial ang mga pangalan nito, ngunit sinabi niyang dalawa na sa mga ito ang nagpasa ng pormal na sulat upang saluhin ang naunang deal sa Starhorse.

Isa naman umano sa sinasabing dahilan kung bakit hindi natuloy ang deal sa Starhorse ay kakulangan sa mga requirements na hinihingi ng PBA at ang hindi pagkakaunawaan sa posibleng presyo ng prangkisa.

ADVERTISEMENT

What do you feel about this article?