Kumpleto na ang 12 senatorial slate ng partido ni dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong iendoso sina dating Senator Gringo Honasan at retired Colonel Ariel Querubin.
Ito ang inianunsyo ni Davao City Congressman Paolo Duterte matapos niya umanong kausapin ang kanyang ama na nakakulong pa rin sa The Netherlands.
Ayon sa kongresista, kumpleto na ang slate ng PDP-Laban na kanilang tinawag na “Duter-Ten Senators, Plus Two.”
Dahil dito, nanawagan ang kongresista na patuloy na suportahan ang kanilang mga tumatakbong senador sa parating na halalan.
Kinabibilangan ang PDP-Laban senatorial slate nina: Senators Bong Go at Bato Dela Rosa, singer at Atty. Jimmy Bondoc, Raul Lambino, actor Philip Salvador, Jayvee Hinlo, Cong. Rodante Marcoleta, Pastor Apollo Quiboloy, Vic Rodriguez, Dr. Richard Mata, at sina Querubin at Honasan.
ADVERTISEMENT
Samantala, sinabi naman ni Congressman Duterte na nananatiling masigla at mas mukha pa umanong mayor tingnan, lagpas isang buwan matapos itong makulong.

