
Inilunsad kahapon, ika-24 ng Abril, sa bayan ng Paete, Laguna ang programang “Plastic Palit Tinapay” sa tulong ng pribadong bread manufacturer, DILG, at lokal na pamahalaan.
Sa programa, maaaring ipalit ng mga residente ang limang kilong assorted plastic waste o isang kilong plastic kapalit ng isang buong loaf bread.
Samantala, ang nasabing programa ay bahagi ng Plastic Collection Drive na inilunsad sa CALABARZON noong Agosto 2024, na layuning hikayatin ang publiko sa pag-recycle at pagtulong sa pangangalaga ng kalikasan.

