Uncategorized

Maagang detection ng autism sa isang bata, mahalaga upang maipalaki nang tama

Ibinahagi ni Dr. Rita Grace Villadolid, isang Developmental Pediatrician ng ManilaMed ang kahalagahan ng maagang detection ng autism sa isang bata upang mapalaki ito nang tama.

Mico Agustin · · Updated · 1 min read

Ibinahagi ni Dr. Rita Grace Villadolid, isang Developmental Pediatrician ng ManilaMed ang kahalagahan ng maagang detection ng autism sa isang bata upang mapalaki ito nang tama.

Mahalaga rin umano ng developmental screening sa mga bata upang makita sa una pa lamang kung may ‘risk’ na sa autism.

Sinabi rin ni Villadolid na hanggang ngayon, wala pang natutuklasan ng mga eksperto kung ano ba talaga ang sanhi ng autism sa isang bata kung kaya marami ring teorya ang lumulutang lalo na ngayon sa social media.

Ang isang alam sa ngayon, kahit nasa sinapupunan pa lamang ay mayroon nang risk kung kaya mayroon nang ilang sintomas na pwedeng makita sa isang bata.

Nagbabala rin si Villadolid sa masamang epekto ng pagbababad sa mga gadget ng mga bata lalo na sa proseso ng kanilang paglaki at pag-develop ng kanilang utak.

ADVERTISEMENT

Payo ni doktora, hindi dapat magkaroon ng ‘screen time’ ang mga batang edad dalawa pababa habang hanggang isang oras lamang kada araw ang rekomendasyon sa edad dalawa pataas.

What do you feel about this article?