Kinumpirma ng Comelec noong Huwebes na maglalabas ito ng show cause orders kina Isko Moreno, Sam Versoza, at iba pang lokal na kandidato kaugnay ng umano’y vote-buying.
Kabilang sa mga pinadalhan ng abiso sina Jerry Jose, Richard Kho, Levito at Marilou Baligod, Julian Coseteng, Anna Katrina Hernandez, at Caloocan City Mayor Along Malapitan.
Depensa ni Malapitan, ang aktibidad na tinutukoy ay bahagi ng programang “Agapay sa Manggagawa” na sinimulan noong 2022 at may pahintulot mula sa Comelec simula pa noong Pebrero 7, 2025.
Samantala, sinabi ni Moreno na hindi pa siya nakatatanggap ng kopya ng show cause order hanggang 3 ng hapon.
ADVERTISEMENT
Nauna nang inatasan ng Comelec ang iba pang kandidato, kabilang si senatorial bet Camille Villar, na magpaliwanag din sa kaparehong alegasyon.


