Bantay Boto 2025Latest News

5 kandidato, pinagpapaliwanag ng Comelec kaugnay ng vote-buying

Inatasan ng Commission on Elections (COMELEC) sa pamamagitan ng Task Force Kontra Bigay ang limang kandidato sa darating na halalan upang magpaliwanag kaugnay ng umano’y pamimigay ng regalo at tulong…

Newslight · · 2 min read

Inatasan ng Commission on Elections (COMELEC) sa pamamagitan ng Task Force Kontra Bigay ang limang kandidato sa darating na halalan upang magpaliwanag kaugnay ng umano’y pamimigay ng regalo at tulong pinansyal sa kanilang kampanya.

Kabilang sa mga pinadalhan ng show cause order ang isang mayor at vice mayor sa Oriental Mindoro, dalawang kandidato sa Kongreso sa Nueva Ecija at Palawan, at isang kandidato na tumatakbo sa national position.

Ayon sa ebidensyang isinumite noong Abril, namahagi umano ng tig-2,000 ang dalawang lokal na kandidato sa ilalim ng isang work program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa Nueva Ecija, isang video ang nagpapakitang nangakong magbibigay ng pera ang isang kandidato kapalit ng suporta, habang libreng sine naman ang ipinamahagi sa Palawan.

ADVERTISEMENT

Samantala, ang national candidate naman ay kailangang magpaliwanag sa isang event sa Cavite kung saan may mga litratong kitang-kita ang mga taong may hawak na pera habang yakap siya.

Binalaan ng Comelec na kapag nabigong sumagot ang mga kandidato, maaaring humantong sa pormal na pagsasampa ng kaso.

Comelec, diniskwalipika ang PBBM party-list dahil sa misrepresentation

Samantala, ikinansela ng Comelec Second Division ang registration ng Pilipinas Babangon Muli (PBBM) party-list para sa eleksyon 2025 dahil sa misrepresentation.

ADVERTISEMENT

Isinampa ni Atty. Jess Christian Ramirez ang petisyon para makansela ang registration ng naturang party-list dahil sa misrepresentation nito bilang regional political party ng Calabarzon.

Ayon kay Ramirez, ito ay paglabag sa Republic Act No. 7941 o Party-list System Act, at Comelec Resolution No. 9366.

Paliwanag ng PBBM party-list, hindi requirement sa kanilang membership ang pagiging residente ng Region 4A sa ilalim ng kanilang party-list constitution and bylaws.

ADVERTISEMENT

Bagay na taliwas sa kadahilanan ng approval ng registration ng partido para sa eleksyon 2025.

Ayon sa Comelec, karamihan sa mga miyembro ng PBBM party-list ay mula sa Abra, Quezon City, at Cagayan at hindi maituturing na bonafide members ng regional political party sang-ayon sa kanilang idineklara noong nag-aapply for eligibility.

What do you feel about this article?