Latest NewsNews Light

VP Sara, kumpiyansang maipapanalo ang kinakaharap na impeachment complaint

Tiwala si Vice President Sara Duterte na maipapanalo ang kanyang impeachment trial sa Senado na nakatakdang magsimula sa Hulyo.

Ace Cruz · · Updated · 1 min read
Vice President Sara Duterte sa pagdinig ukol sa paggamit ng budget ng Office of the Vice President, September 2024. Photo from House of Representatives

Tiwala si Vice President Sara Duterte na maipapanalo ang kanyang impeachment trial sa Senado na nakatakdang magsimula sa Hulyo.

Ayon sa bise, kaagad siyang nakipagpulong sa kanyang mga abogado pagdating nito ng bansa mula sa The Hague, Netherlands at kumpiyansa rin ang kanyang legal team na malaki ang tsansa nilang manalo.

Gayunpaman, tumanggi itong ibahagi ang kanilang preparasyon sa nakatakdang impeachment trial.

Mababatid na ilan sa grounds for impeachment na kinonsidera ng kamara ay ang umano’y maling paggamit ng pondo ng gobyerno at iba pa.

ADVERTISEMENT

What do you feel about this article?