News LightLatest News

QC, ipinagbawal ang paggamit ng single-use plastics sa LGU establishments

Ipinagbabawal na ang paggamit ng single-use plastic at disposables sa Quezon City Hall compound at LGU establishments.

Newslight · · 1 min read
Pinailawan ng kulay berde ang Pylon sa Quezon Memorial Circle bilang pakikiisa sa Earth day, April 2025. Photo from Quezon City Government/Facebook

Ipinagbabawal na ang paggamit ng single-use plastic at disposables sa Quezon City Hall compound at LGU establishments.

Sa ilalim ng EO No. 3, ang paggamit ng plastic bags, styrofoam, at disposable dishware tulad ng paper plates, plastic utensils, plastic bottles, at paper cups ay ipinagbabawal na sa Quezon City Hall at iba pang government-owned facilities.

Epektibo ang EO simula Abril 21.

Sakaling may take-out order, kinakailangan magdala ng reusable containers.

Maging ang mga food deliveries na gumagamit ng plastic packaging ay ipinagbabawal din sa loob ng City Hall at iba pang government buildings.

ADVERTISEMENT

Ang mga vendors na lalabag sa batas ay mabibigyan ng penalty habang ang mga government employees na mapatutunayang lumabag ay makakatanggap ng formal reprimand o memoranda.

What do you feel about this article?