News LightLatest News

Pope Francis, pansamantalang nakahimlay sa kapilya ng kanyang tirahan sa Casa Santa Marta

Inilabas na ng Vatican ang unang mga imahe ng mga labi ni Pope Francis habang pansamantalang nakahimlay sa Kapilya ng Casa Santa Maria, ang kanyang naging tirahan.

Giselle Crazo · · 1 min read
Ang labi ng yumaong Santo Papa, Pope Francis, sa kapilya ng Casa Santa Marta, April 2025. Photo from Vatican News

Inilabas na ng Vatican ang unang mga imahe ng mga labi ni Pope Francis habang pansamantalang nakahimlay sa Kapilya ng Casa Santa Maria, ang kanyang naging tirahan.

Suot niya ang pulang robe at may hawak siyang itim na rosaryo.

Sa Miyerkules, isasagawa ang Rite of Translation kung saan ililipat ang mga labi ni Pope Francis mula sa Casa Santa Maria, at ipuprusisyon hanggang makarating sa St. Peter’s Basilica.

Idaraos ang simpleng funeral mass sa Sabado, Abril 26 sa St. Peter’s Square.

Dadalhin ang kanyang mga labi sa Basilica of St. Mary Major kung saan siya ililibing sa halip na sa Vatican Grottoes, bilang pagsunod sa kanyang kahilingan.

ADVERTISEMENT

Susundan ang misa ng siyam na araw na pagluluksa para sa kaluluwa ng Santo Papa.

What do you feel about this article?