
Pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw Abril 23 ang VITRO Santa Rosa, ang pinakamalaki at kauna-unahang AI-ready hyper scale data center sa bansa, na matatagpuan sa Santa Rosa City, Laguna.
Ayon kay PBBM, ito ang hudyat na handa na ang Pilipinas sa digital ground lalo’t kailangang mas palakasin ang data security sa ating bansa.
Samantala, ang pasilidad ay may 50-megawatt capacity at ginawa para suportahan ang malalaking kumpanya sa larangan ng cloud computing at artificial intelligence o (AI). Konektado rin ito sa international subsea cable network ng PLDT na umaabot sa Asia, U.S., at Europe.
Layunin ng VITRO na gawing AI hub ang Pilipinas at palakasin ang digital transformation ng mga negosyo, lokal man o dayuhan. Ang data center ay may kakayahang tugunan ang lumalaking demand para sa mas mabilis, ligtas, at episyenteng data services.
ADVERTISEMENT
Sa pagbubukas ng VITRO Santa Rosa, inaasahang mas lalo pang titibay ang papel ng Pilipinas bilang digital gateway ng rehiyon.

