
Talaga namang mapapawi ang iyong pagod kung sa biyahe mo, may makikita kang gentle at sweet na aso sa iyong jeep na nasakyan.
Iyan ang ibinahagi ng isang netizen nang makita niya ang adorable na fur baby na behave lamang na nakatingin sa mga pasahero ng jeep ng kanyang fur parent.
Ang cute na alaga ay katuwang ng jeepney driver sa kanyang pasada at naantig ang puso ng mga pasahero at maging ng mga social media netizens.
Giit pa nga ng iba sa comments, sana masakyan rin nila ang jeep na ito upang masilayan ang sweet na aso ni manong driver.
ADVERTISEMENT

